Muling namayagpag ang mga batang Pinoy scientist matapos masungkit ng dalawang estudyante ng Philippine Science High School-Cordillera Administrative Region (Pisay-CAR) ang gold medal sa 8th ASEAN + 3 Student Camp and Teacher Workshop for the Gifted in Science (ACGS) na ginanap sa Beijing, China kamakailan.

Sinabi ng Department of Science and Technology (DoST) na tinalo nina Caleb Joshua Abrazaldo, Grade 11, at Rei Arion Videl Buena, Grade 10, ang kanilang mga katapat mula sa 12 bansa sa robot soccer operation skills.

Sina Abrazaldo at Buena ang nagbigay ng best performance sa workshop category na sinukat ang mga estudyante sa recitation, speed in disassembling and assembling a soccer robot, at poster presentation.

May temang “Dreamer, Thinker, Maker,” ang 8th ACGS ay ginanap noong Enero 16. Dinaluhan ito ng 14 na grupo ng 100 junior middle school student at science teacher mula sa ASEAN+3 – ang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, Vietnam, Laos, Myanmar Brunei at Cambodia kasama ang China at South Korea, at Sweden bilang guest country ngayong taon.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Tatlo pang estudyante sa Grade 9, sina Adrian Charles Tiu Lao at Kristine Marie C. Jardiolin at Elizabeth Rae S. Peralta, ang nakakuha ng silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod. Sila ay pawang nagmula sa PSHS-Ilocos Region Campus. (Martin A. Sadongdong)