Kapwa nanalo sina WBO No. 7 super bantamweight Jack Tepora at WBC No. 19 light flyweight Christian Araneta laban sa kani-kanilang kalabang Indonesian kamakalawa ng gabi sa Waterfront Hotel and Casino, Cebu City, Cebu.

Napanatili ni Tepora ang kanyang WBO super bantamweight title via 1st round knockout laban kay dating International Boxing Association (IBA) featherweight champion Yon Armed sa pamamagitan ng isang right hook na sinundan ng bigwas sa bodega.

Inaasahang aangat si Tepora sa WBO super bantamweight rankings na kampeon si Jessie Magdaleno ng United States taglay ang perpektong kartada na 20 panalo, 15 sa pamamagitan ng knockouts.

Isang kaliwang uppercut lamang ang kinailangan ni Araneta para patulugin si Demsi Manufoe na halatang takot sa punching power ng Pinoy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa natamo ni Araneta ang bakanteng WBO light flyweight crown, inaasahang papasok na siya sa Top 15 ranking ng WBC na kampeon si Ganigan Lopez ng Mexico.

Umangat ang rekord ng 22-anyos na si Araneta sa perpektong 14 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts. - Gilbert Espeña