Nanawagan kahapon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na sama-samang manalangin para sa mga senador, kasabay ng paghahanda para sa nalalapit na botohan ng Mataas na Kapulungan sa death penalty bill.

Umaasa ang CBCP na sa pamamagitan ng panalangin ay “hihipuin” ng Panginoon ang mga puso ng mga senador upang maliwanagan sa naturang panukala.

“Let us pray fervently for the legislators of our country as they prepare to vote on death penalty in the Philippine Senate,” panawagan ng CBCP sa inisyung pastoral letter.

“Let us offer all our Masses for them, asking our Crucified Lord who offered his whole life, body and blood, for the salvation of sinners, to touch their consciences and lead them to abolish capital punishment once and for all,” saad pa sa liham.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang nasabing liham ay binasa sa lahat ng misa na idinaos kahapon sa buong bansa.

Matatandaang ang House Bill No. 4727, na naglalayong muling buhayin ang parusang kamatayan sa pitong drug-related offenses, ay inaprubahan sa ikatlong pagbasa sa Kamara de Representantes kamakailan. - Mary Ann Santiago