Nakahanap ng kanilang kakampi ang Philippine Sports Commission (PSC) nang katigan sila ng mga lokal na opisyal ng Mindanao local para sa hangaring makamit ang kanilng bahagi sa kinikita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Sinabi ni Tagum City mayor Allan Rellon na nakatakda siyang lumagda sampu ng may 150 kinatawan ng mga gobernador at mga alkalde sa Mindanao sa isng resolusyon na kanilang ipahatid kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-aatas sa Pagcor na ibigay ang limang porsiyento ng kanilang gross income gaya ng isinasaad sa Republic Act 6847 na siya ring lumikha sa PSC.

Ayon sa PSC, ang nakukuha lamang nila mula sa Pgcor ay hanggang 2.5 porsiyento lamang at hindi ang itinakdang 5 porsiyento.

Ang nasabing plano ng Mindanao LGUs ay naganap sa isang pagpupulong na idinaos sa Pinnacle Hotel sa Davao City kung saan inilahad sa kanila ng PSC ang kanilang mga gawain gayundin ng muling inilunsad na Philippine Sports Institute- ang kanilang grassroots development program.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Now that we are more aware of what the PSC does and PSI in promoting grassroots sports down to barangays, so those will require a lot of funds, which is why we are making this resolution,” ani Rellon, ang executive vice president ng League of Cities of the Philippines sa ulat na naunang nalathla sa Spin.ph..

“This is a welcome development from my fellow Mindanaoans because nurturing grassroots sports requires a huge amount of money,” ayon naman kay PSC chairman William Ramirez. “This is part of our marching orders from President Duterte in promoting community sports development.”

Binigyang-diin ni Ramirez ang kahalagahan ng mga lokal na opisyal para sa promosyon ng sports sa buong bansa.

“Governors and mayors are important in changing sports. We cannot have grassroots sports development without them. I’m quite happy with the enthusiastic response of our colleagues from Mindanao,” ayon pa kay Ramirez.