HINDI naman siguro makakasira sa promo ng Northern Lights ang paglitaw ng picture nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao nang kumain sila sa Bellini’s Cafe.
Sweet ang dalawa at sa isang picture, kitang magka-holding hands sila habang masaya ang waiter at chef ng resto na makasama sila sa litrato.
Hindi nabanggit nang nag-post ng picture kung sa Bellini’s sa Cubao o sa Marikina City kumain sina Piolo at Shaina noong March 16. Ang importante, nakita silang magkasama at sweet pa.
Matured na rin naman ang moviegoers kaya hindi naman makakasira sa promo ng movie nina Piolo at Yen Santos ang picture nilang ito. Unang-una, dahil hindi naman love team sina Piolo at Yen. First time nilang magkasama sa Northern Lights na showing sa March 29, kaya panay na ang mall tour nila.
Karamihan sa mahihilig magbiyahe sa magagandang lugar ay kasali sa bucket list na ma-witness ang Aurora Borealis o Northern Lights at dahil may kamahalan ang mag-travel sa mga bansa na meron nito, habang nag-iipon pa kayo, panooorin n’yo ang pelikula sa nasabing petsa.
Sa teaser pa lang, maganda na ang movie, tiyak na mas maganda ito sa kabuuan ng pelikula. (NITZ MIRALLES)