Ni Marivic Awitan

Ang Phoenix import na si Eugene Phelps (kaliwa) ay mahigpit na binabantayan sa tagpong ito ni Blackwater import Greg Smith sa nakaraang laban nila noong Sabado kung saan nagwagi ang Fuel Masters sa double overtime  118-116.  PBA Media
Ang Phoenix import na si Eugene Phelps (kaliwa) ay mahigpit na binabantayan sa tagpong ito ni Blackwater import Greg Smith sa nakaraang laban nila noong Sabado kung saan nagwagi ang Fuel Masters sa double overtime
118-116.
PBA Media
Matapos pangnahan ang Phoenix sa double overtime na panalo kontra Blackwater noong Sabado ng gabi, sinabi ni import Eugene Phelps na kailangan na niyang umalis upang magtungo sa Puerto Rico.

“I think I’m leaving tomorrow (Sunday). I (have to) leave to Puerto Rico on the 29th so I need my break,” pagsisiwalat ni Phelps sa post game interview.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aminado naman si Phelps na batid nyang kumplikado ang pinasok niyang sitwasyon kaya naman sinikap talaga niyang maipanalo ang Fuel Masters matapos magtala ng 53 puntos, 21 rebounds at 7 block sa sinasabing una at huli niyang laro sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

“It’s my only game here so I had to make a good appearance and win for the team,” ani Phelps.

“I already signed (with Puerto Rico) but coach Ariel (Vanguardia) hit me up right after Taiwan and asked me if I could come in for like a game or two,” paliwanag pa nito.

Kaya naman nahaharap ngayon sa malaking problema ang Phoenix sa paghahanap ng makakapalit ni Phelps.

Ngunit sinabi naman ni Phoenix coach Ariel Vanguardi na hindi pa sigurado kung papayagan nilang umalis kahapon si Phelps habang isinasara ang pahinang ito.

“Sa 29 pa naman siya dapat kailangan sa Puerto Rico baka puwede pa siyang makalaro ng isa o dalawang laro hanggang makakita kami ng pamalit nya,” ani Vangurdia,

Nakatakdang maglaro si Phelps sa koponan ng Brujo de Guayama sa Puerto Rican League kung saan niya nakuha ang monicker niyang “El Destructor”.