190317_Fire Valenzuela_01_Ganzon copy

Isa na namang pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City na kinapapalooban ng mga pintura ang nilamon ng apoy kahapon.

Ayon kay Valenzuela Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian unti-unting kumalat ang apoy sa gusali ng Pantex, Corporation.

Walang nasaktan sa nasabing insidente, pagkukumpirma niya.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“No one’s injured. All employees of the slipper factory are safe. It is the warehouse of the factory which was razed,” pahayag ni Gatchalian sa Balita.

“The company has complete permits. The comp-any told me that all their employees are complete and safe,” dagdag niya.

Ayon pa kay Gatchalian, malayo ang pabrika sa kinapupuwestuhan ng mga empleyado, sinabing agad nakatakbo ang mga ito.

Base sa imbestigasyon, dakong 1:00 ng tanghali nagsimula ang apoy sa nasabing pabrika na matatagpuan sa Pacheco Street, Barangay Balubaran, Valenzuela City.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog dahil sa mga gamit na madaling masunog.

Bandang 2:14 ng hapon, umabot sa Taskforce Alpha ang sunog at tuluyang na-control bandang 4:30 ng hapon, sinabing hinihintay na lamang nila ang deklarasyon ng fire department na tuluyan na itong naapula.

Matatandaang isang pabrika rin ng tsinelas, Kentex, ang nasunog sa Valenzuela City noong Mayo 13, 2015 na ikinasawi ng 74 na empleyado. (JEL SANTOS)