Patrimonio
Patrimonio
Naitala ng National University ang ikaapat na sunod na kampeonato matapos walisin ang University of Santo Tomas , 3-0 kahapon sa finals ng UAAP Season 79 women's lawn tennis Finals sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sinelyuhan ng tinanghal na league MVP na si Clarice Patrimonio ang kanilang panalo sa pamamagitan ng 6-1, 6-3 pagdurog kay Erika Manduriao sa second singles.

"We are just focused on the game," pahayag ni Patrimonio, na nagwagi ng kanyang ikalawang MVP award sa liga sa nakalipas na tatlong taon.

Sa kanyang pinakahuling singles match sa liga, nagwagi rin ang nakttandang kapatid ni Clarice na si Christine Patrimonio,na gaya ng una ay nagwagi na rin ng dalawang MVP award , 6-0, 6-3 kontra kay Precian Rivera sa unang singles.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

"Nakakalungkot, nasanay ako na kasama si Tin," ayon pa kay Clarice. "But I guess next year, I'll try my best."

Nagwagi rin ang Lady Bulldogs sa doubles sa pamamagitan nina Jzash Canja at Apoul Polito laban kina Shymae Guitaran at Manduriao, 6-2, 6-0 para kumpletuhin ang sweep.

Dahil sa panalo, ang NU na ngayon ang ikalawang winningest team sa liga kaunod ng De La Salle na may pitong titulo at napahaba pa nila ang kanilang winnng run hanggang 24 straight ties mula pa noong 2015.

Samantala, tinanghal naman ang Ateneo netter na si Nicole Amistad, bilang Rookie of the Year. - Marivic Awitan