Muling nagpadala ng koponan ang Philippine archery para lumahok sa Asia Cup na nagsimula na kahapon sa Bangkok, Thailand
Ang koponan ay kinabibilangan ng 16 na archer, 8 sa recurve at 8 din sa compound upang umabak sa nasabing torneo na lalhukan din ng mga pinkamahuhusay na archers a buong Asian region.
Sinabi ni Philippine archery Secretary General Dondon Sombrio na ang mga pangalan ng mga archer na nauna na nilang isinumite sa POC at PSC ang iya ring bumubuo sa ipinadala nilang koponan kasunod ng matagumpay na kampanya ng mga ito sa nakaraang Southeast Asian Championships sa Myanmar kung saan sila nagwagi ng 6 na gold, 4 n silver at 2 bronze medals.
Sila din ang mga archers na namayani sa nakaraang National Open at Philippine Cupna idinaos sa Cebu City na kinabibilangan nina Flor Matan, Gabriel Moreno, Syd Fraginal ,Allan Raquipo, Kareel Hongitan, Mary Queen Ybanez, Nicole Tagle at Pia Bidaure para sa recurve at ang mga compound bets na sina Paul dela Cruz, Luis Soriano, Niron Concepcion, Joseph Bague, Jennifer Chan, Rachelle DelaCruz, Amaya Paz Cojuangco, at Andrea Robles.
Nakatakda naman silang gabayan nina national coaches Clint Sayo, Joy Marino at Marvin Cordero.