Ni Marivic Awitan

Ateneo's Mich Morente spikes the ball against FEU's Chin Chin Basas (MB Photos | Rio Leonelle Deluvio)
Ateneo's Mich Morente spikes the ball against FEU's Chin Chin Basas (MB Photos | Rio Leonelle Deluvio)
Muntik nang nawalang-saysay ang naitalang 2-sets na bentahe, nagawang maka-recover ng Ateneo de Manila upang maungusan ang Far Eastern University, 25-20, 25-22, 17-25, 21-25, 15-8, at ganap na makopo ang unang slot sa Final Four ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament noong Sabado ng gabi sa San Juan Arena.

Natuto na sa naunang 25-19, 24-26, 19-25, 25-16, 15-11 kabiguan sa kamay ng Lady Eagles noong first round, binalasa ng Lady Tamaraws ang kanilang starters na nagbunga naman ng panalo para sa kanila sa unang dalawang sets.

Pagdating ng third set, pinaulann sila ng Lady Tamaraw ng aces at block kills para makamit ang one-sided et win.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mula naman sa tablang iskor na 21-all sa fourth frame, nakamit ng FEU ang panalo at nakapuwersa ng decider sanhi ng attack errors ng Ateneo.

Nakabalik a kanilang ”fighting form” ang Ateneo sa fifth frame na sinimulan nila sa pamamagitan ng 8-4 run.

Nakuha pang dumikit ng Lady Tamaraws, 8-10 ngunit hindi na sila pinaiskor pa ng Ateneo mula doon para maangkin ang tagumpay, ang kanilang ikasiyam sa sampung laban na nagbaba naman sa Lady Tams sa ikalimang posisyon taglay ang patas na barahang 5-5, panalo-talo.

“Ganoon talaga kasi lalaban at lalaban ang FEU. Maganda talaga ang nilaro nila. Siguro talagang mas nakakuha kami ng maraming breaks at nagpakita ‘yung mga bata ng character,” pahayag ni Ateneo assistant coach Sherwin Meneses.

Nagtapos na topscorer para sa Lady Eagles si Jhoana Maraguinot na nagsalansan ng season-high na 23 puntos, habang nagtala naman ng impresibong all around game si Michelle Morente na tumapos na may 15 puntos, 18 digs, at 17 receptions.