Nasamsam ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga trosong ilegal na pinutol sa bahagi ng Sierra Madre mountain sa Quezon.

Sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP), na pawang miyembro rin ng Task Force Kalilkasan, nakumpiska ng mga forest ranger ang aabot sa 135 piraso ng nalagaring good lumber, na may sukat na 1,600 board feet, sa Barangay Banugao, Infanta, nitong Sabado ng hapon.

Aabot naman sa 871 board feet ang 15 pirasong nilagaring good lumber na nakumpiska sa Macalelon, habang nasa 77 pinutol na kahoy na may sukat na 10,000 board feet ang narekober ng DENR sa isang Remilito Rosco sa Gen. Nakar.

(Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!