INDIAN WELLS, Calif. (AP) — May mga pagbabago sa mga plano ni Roger Federer para sa taong ito matapos ang magagandang pangyayari na kanyang natamasa.

Roger Federer, of Switzerland, hits to Jack Sock during a semifinal match at the BNP Paribas Open tennis tournament, Saturday, March 18, 2017, in Indian Wells, Calif. (AP Photo/Mark J. Terrill)Matapos mapagwagian ang 18th Grand Slam title sa nakraraang Australian Open noong Enero, ipagpapatuloy ni Federer ang record-tying fifth BNP Paribas Open title makaraang talunin si Jack Sock 6-1, 7-6 (4) noong Sabado upang umabot sa kampeonato.

Makakalaban niya si Stan Wawrinka sa isang all-Swiss title match kasunod ng pag-usad ni Wawrinka sa finals matapos talunin si Pablo Carreno Busta 6-3, 6-3.

Ilang injuries ang naging dahilan para ma-sideline si Federer noong isang taon at naging dahilan upang hindi siya makasali sa Indian Wells.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Plano sana niya ngayong taon na maglaro hanggang sa Miami event sa susunod na linggo at pakiramdaman ang kanyang sarili mula roon.

“I was just happy to be feeling healthy again at the end of last year,” ani Federer. “I was just happy to be playing another 10 events maybe.”

Sakaling manalo, naktakda niyang makamit ang ika - 90 career title, pangatlo kina Jimmy Connors (109) at Ivan Lendl (94) para sa record na most titles sa Open era.

“It’s not a goal of mine per se to play until I reach 100,”ayon pa kay Federer. “Could be. It’s a nice goal to have. But that stuff can change. Ask me again in three to six months how I’m feeling, if I won any more or not.”

May rekord si Federer na 4-2 sa finals ng Indian Wells, kung saan ang pinakahuli niyang titulo ay noong 2012.

Taglay din niya ang 19-3 lamang sa head-to-head nila ni Wawrinka, kabilang na ng 14-0 sa hard courts, at panalo sa huling tatlo nilang pagtatagpo kabilang na ang Australian Open semifinals noong Enero.