Ipatutupad ng National Housing Authority (NHA) ngayong Lunes ang eviction order nito laban sa mga miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na ilang araw nang umookupa sa mga bakanteng unit ng socialized housing projects ng pamahalaan sa Pandi, Bulacan.

Tiniyak ni NHA spokesperson at Resettlement and Development Services Chief Elsie Trinidad na ngayong Lunes na lang ang huling pagkakataon ng mga sangkot sa tinaguriang “Occupy Pandi” upang lisanin ang mga inokupahan nilang unit sa mga pabahay na nakalaan na sa mga kawani ng gobyerno.

Paliwanag ni Espiritu, kapag nag-expire na ang deadline ay kakatukin na ng grupo mula sa NHA, pulisya at barangay ang mga unit na inookupahan ng mga miyembro ng Kadamay upang bigyan sila ng isang-oras na period.

Kung ipagpipilitang manatili sa unit, mapipilitan na ang NHA na ipatupad ang kautusan ng general manager ng ahensiya na si Marcelino Escalada, Jr.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Una nang binatikos ng Kadamay ang kabiguan ng gobyerno sa pagresolba sa kahilingan ng mahihirap sa Metro Manila na mabigyan sila ng maayos at murang pabahay kaya inilunsad nila ang Occupy Pandi. (Rommel P. Tabbad)