Inaasahang aangat sa world rankings si WBA No. 5 super lightweight Czar Amonsot matapos patulugin sa 1st round si Hungarian Zsigmond Vass nitong Marso 17 para matamo ang bakanteng interim WBA Oceania light welterweight title sa The Melbourne Pavilion, Flemington, Victoria sa Australia.

Pinatulog ni Amonsot ang 21-anyos at tubong Budapest na si Vass para mabawi ang titulong dati na niyang hawak at idagdag sa kanyang PABA at WBA Pan African super lightweight titles.

Minsan nang lumaban para sa interim WBA lightweight title si Amonsot pero tinalo siya ni two-time world champion Michael Katsidis ng Australia noong Hulyo 21, 2007 kaya nag-aambisyon siya ngayon na hamunin si WBA super lightweight champion Ricky Burns ng United Kingdom.

Wala namang ginawa ang Armenian na si Aik Shakhnazaryan kundi tumakbo nang tumakbo para makaiwas sa mga pamatay na suntok ng Pilipinong si OPBF super lightweight champion Al Rivera para mapanatili ang kanyang WBC International 140 lb title sa manipis na 12-round unanimous decision sa sagupaan nitong Marso 18 sa KRC Arbat, Moscow, Russia.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Halos dinominahan ni Rivera ang 12-round na sagupaan ngunit umiskor pa rin si Italian Guido Cavalleri ng116-113; Dutch Daniel van de Viele, 115-113; at Finnish Esa Lehtosaari, 115-114 lahat pabor sa kapwa European na si Shakhnzaryan.

“The fifth turned into a virtual disaster for the Armenian, who was hit often on his way out and rocked several times while moving laterally. Rivera was also successful in the sixth but Shakhnazaryan utilized his superb foot speed to get out of danger. He also took the seventh and the eighth on his sheer boxing skills,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

“Rivera’s punches dealt real damage to the Armenian fighter in the 9th, 10th and 11th rounds but the latter was able to neglect its quantity with quality of his defense. In the final round Shakhnazaryan was mostly running while Rivera, clearly annoyed, was unable to prevent him from running,” dagdag ng ulat. - Gilbert Espeña