Pormal na umusad sa Final Four round ang defending 2-time champion Ateneo de Manila matapos nitong gapiin ang University of Santo Tomas, 22-25, 25-23, 25-13, 25-21 kahapon sa men’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.
Naitala ni reigning 3-time MVP Marck Espejo ang pinakmagndang laro niya ngayong seaon makarang tumapos na may 27-puntos, kabilang dito ang 23 attacks para giyahan ang Blue Eagle sa kanilng ika-10 sunod na panalo ngayong season na nagpalawig namn sa kanilang winning streak hanggang 24 na laro mula pa noong Season 78.
Malamig ang panimula ng Blue Eagles ngunit ang insidenteng pagbibigay ng tatlong yellow cards ng referee na si Oliver Mora kina Karl Baysa, setter Ish Polvorosa at sa kanilang headcoach na si Oliver Almadro sa second set ang nagpabago sa takbo ng laro.
Mula doon, kung saan tabla ang iskor na 7-all , tila lumabas ang tunay na laro ng Blue Eagles at dinomina ng Tigers sa sumunod na dlawang sets upang mangkin ng tagumpay makaraang matalo sa firt frame.
Nanguna para sa UST si Manuel Medina n my 13-punto kasunod si Jericho Jose na may 11 puntos.
Nauna rito, napanatili ng University of the Philippines ang kanilang kapit sa ika-4 na puwesto kasunod ng naitalang straight sets win kontra University of the East, 25-22, 25-23, 25-18.
Umiskor si Alfred Gerald Valbuena ng 19 puntos, kabilang dito ang 18 hits at isang ace bukod pa s 12 excellent receptions upang pangunahan ang nasabing panalo ng Maroons, ang kanilang ika-lima sa sampung laro upang manatiling pumapang-apat kasunod ng defending champion Ateneo (9-0), National University (8-1) at Far Eastern University (5-4).
Nag-ambag naman ang kakamping si John Mark Millete ng 10 hits at 3 blocks para s kabuuang 13 puntos kasunod si Wendell Miguel na may 8-puntos.
Nag-iisa namang tumapos na may double figure para sa Red Warriors si Edward Camposano na may 15-puntos maliban sa tig-9 na digs at receptions.
Sanhi ng kabiguan, bumaba ang UE sa markang 1-8, panalo-talo. (Marivic Awitan)