Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyanteng nasa Grade 10, o magtatapos ng Junior High School ngayong taon, na kumuha ng sports track sa Senior High School (SHS) para sa school year 2016-2017.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kakaunti lang ang mga Grade 11 student na kumuha ng sports track at karamihan ay nagpalista sa academic track.
Nilinaw ni Briones na maaari rin namang makapagbigay ng magandang career ang sports track, gaya ng pagiging atleta, coach, PE teacher, sports official o tournament manager at fitness, sports o recreation leader.
Batay sa record ng DepEd, 60% (914,436) ng 1.5 milyon sa Grade 11 ay nagpalista sa academic track, 39.15% (594,027) sa tech-voc track, 0.38% (5,751) sa arts & design, at 0.20% (3,096) sa sports. (Mary Ann Santiago)