Prince William at Kate copy

HALOS dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling magtungo si Prince William sa Paris, France.

Nagtungo ang 34-anyos na royal at ang kanyang asawang si Kate Middleton nitong Biyernes, ang unang biyahe ng mag-asawa sa kabisera ng France simula noong pumanaw ang ina ni William na si Princess Diana.

Dumating ang dalawa sa Elysee Palace at sinalubong ng Pangulo ng France na si Francois Hollande makaraang ipagdiwang ang taunang St. Patrick’s Day parade sa London. Nakasuot ang duchess ng berdeng Catherine Walker coat dress

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa loob ng dalawang araw, dadalo ang Duke at Duchess of Cambridge sa iba’t ibang event, kabilang ang reception ng young French Leader at pormal na hapunan sa tahanan ng Her Majesty’s Ambassador sa Kensington Palace na inanunsiyo nitong nakaraang buwan.

Nakatakda rin silang manood ng Wales vs. France rugby match sa Stade de France.

Sa nalalapit na ika-20 anibersaryo ng kamatayan ni Princess Diana sa Agosto, naglabas sina Prince William at Prince Harry ng pahayag na naturang araw ay may itatayong bantayog sa public garden ng Kensington Palace bilang parangal at pagkilala sa kanilang yumaong ina.

“It has been 20 years since our mother’s death and the time is right to recognise her positive impact in the U.K. and around the world with a permanent statue,” ayon sa pahayag. “Our mother touched so many lives. We hope the statue will help all those who visit Kensington Palace to reflect on her life and legacy.” (ET Online)