Namatay ang isang ginang nang barilin matapos dumalo sa graduation ng kanyang anak sa Dinagat Island, iniulat kahapon ng pulisya.

Batay sa imbestigasyon ng Dinagat Island Police Provincial Office (DIPPO), nagtamo ng bala ng .45 caliber pistol si Analyn Lapinig, 44, ng Barangay Plaridel, Libjo.

Ayon sa pulisya, dumalo si Lapinig sa graduation ng kanyang anak na nagtapos sa kursong nursing, at habang papasakay sila ng jeep pauwi ay binaril siya ng hindi nakilalang suspek, na kaagad tumakas. (Fer Taboy)

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident