Nakatakdang magtungo sa bansang Italya ang Filipino top pole vaulter na si Ernest John Obiena sa darating na Marso 25 upng magsanay s ilalim ng coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine.
Si Petrov na siyang namamahala s sa Pole Vault Center sa bayan ng Formia sa Italya ang siya ring humubog sa mga world champions na sina Sergei Bubka ng Ukraine, at Yelena Isinbayeva ng Russia.
Naging mentor din Petrov ni Brazilian Fabiana Murer na nagwagi ng gold medal noong 2011 World Championships sa Daegu, South Korea at World Indoor Championships sa Doha, Qatar noong 2010.
Ang 21-anyos na si Obiena, may hawak ng national record na 5.55 meters ay naghahanda para sa Southeast Asian Games (SEAG) na idaraos sa Malaysia ngayong Agosto at sa Asian Games sa Indonesia sa susunod na taon.
Habang nasa Italya, lalahok si Obiena sa ilang mga local tournaments doon upang m lalo pang mahasa kontra sa mga European pole vaulters.
Nauna nang nagsanay si Obiena sa ilalim ni coach Petrov sa Spala Olympic Training Center sa Warsaw, Poland noong 2014.
Pagkatapos ng kanyang training sa Italy si Obiena ay lalahok din sa qualifying tournaments para sa 2020 Tokyo Olympics
Isa si Obiena sa 12 mga atleta na napili ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) upang magsanay sa ibang bansa.
Ang iba pang mga atletang napili ng PATAFA ayon sa kanilang pangulo na si Philip Ella Juico ay sina Edgardo Alejan Jr. (400 meters), Mervin Guarte (800 meters and 1,500 meters), Patrick Unso (110 meters hurdles), Marco Vilog (800 meters and 1,500 meters), Christopher Ulboc (3,000 meters), Marestella Torres-Sunang (long jump), Immuel Camino (3,000 meters), Mark Harry Diones (long jump), Julian Reem Fuentes (long jump), Ares Toledo (decathlon) at Jesson Agravante (marathon) na lahat ay magsasanay sa Australia.