NAG-POST agad sa social media ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng picture kasama ang kanilang unica hija na si Baby Letizia pagdating nila sa Osaka, Japan. Kitang-kita sa mga ngiti ang kasiyahan ni Zia sa bago niyang surroundings.
May hashtag na #AroundZWorld #KagigilKaAnak, talaga namang panggigigilan mo si Baby Zia habang mag-isang naglalakad sa kalye sa harap ng Osaka Castle. Halatang tuwang-tuwa itong rumarampa. Ang posts nila ng tatlong pictures ay agad humamig ng libu-libong likes sa Instagram.
Maging ang ama ni Marian, ay nag-comment ng “la familia feliz (the happy family).
Tiyak na gigil na rin si Lolo Javier na makita na nang personal ang apo. Simula kasi nang isilang si Zia, hindi pa nito nakikita ang apo. Gusto kasi ni Marian na silang tatlo na lamang ang pupunta sa Madrid, Spain para makita na rin at makilala ni Zia ang lahat ng mga relatives nila roon.
Balik din agad ang mag-anak from Japan, dahil may taping na si Dingdong ng docu-drama niyang Case Solved na napapanood sa GMA-7 every Saturday pagkatapos ng Eat Bulaga at si Marian naman ay may Sunday Pinasaya ngayong tanghali. (NORA CALDERON)