Humingi na kahapon ng paliwanag ang Malacañang mulas China kaugnay ng mga ulat na pinaghahandaan na nito ang pagtatayo ng monitoring station sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ito ay kasunod ng ulat ng Associated Press na unti-unti nang itinatayo sa anim na isla at reef ng pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, hiningan na nila ng paliwanag ang mga awtoridad ng China at kung may katotohanan ito.

“We are seeking information from Chinese authorities to clarify the accuracy of the report,” pahayag ni Abella.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nitong Biyernes, iniulat ng Associated Press na sinabi ni Xiao Jie, alkalde ng Sansha City sa China, na ang monitoring stations “were being built on 6 islands and reefs, including Scarborough Shoal off the northwestern Philippines.”

Naiulat din ang naging pahayag ni Xiao sa Hainan Daily newspaper na ito ay “among the government’s priorities for 2017.”

Noong nakaraang buwan, isiniwalat ni dating Foreign Affairs secretary Perfecto Yasay Jr. na nangako ang China kay Duterte, nang bumisita ito sa China noong nakaraang taon, na hindi sila magtatayo ng istruktura sa pinag-aagawang Panatag Shoal sa West Philippine Sea.

“They have told it to us, that they are not building. In fact, if reports are correct, they have also made this commitment to the United States,” ayon kay Yasay.

Nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na muling inulit ni Duterte ang kahalagahan ng pagkakasundo ng Pilipinas at China nang mag-courtesy call si China Vice Premier Wang Yang sa Davao City.

“Both sides reaffirmed the stronger bilateral ties between PH and CN. Both noted the progress being made in broadening cooperation,” sabi ni Abella. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)