Sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na sugal, inaresto ng Manila Police ang limang indibiduwal na nahuli sa aktong naglalaro ng ilegal na sugal sa magkakahiwalay na operasyon nitong Biyernes.

Inaresto ng Sta. Cruz Police Station sina Cyrus Pavon, 44; at Benedicto Manguera, 51, dahil sa paglalaro ng cara y cruz.

Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad mula sa isang concerned citizen na isang grupo ng mga lalaki ang maingay na naglalaro ng cara y cruz sa Zamora Interlink sa Sta. Cruz, bandang 12:45 ng hapon.

Samantala, inaresto naman ng Meisic Police Station sina Cyril Jacob, 57; Cenard Ochangco, 25; at Lito Fabia, 29, sa kasagsagan ng kanilang pagpapatrulya.

Politics

‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Namataan ang tatlo na abalang-abala sa paglalaro ng “tong-its” sa isang kalsada sa pagitan ng Juan Luna at C.M. Recto Street, sa Binondo, Maynila, dakong 2:30 ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling. (Analou De Vera)