Sa darating na Abril 23 hanggang 29, magsisilbing punong -abala ang lalawigan ng Antique para sa 2017 Palarong Pambansa..

Pagkalipas ng Ilang buwan ding paghahanda, pormal nang nilagdaan ang memorandum of agreement ng Department of Education at ng Provincial Government ng Antique para sa hosting na gagawin ng huli ng taunang school-based multi sports competition. .

Sinabi ni Kalihim Leonor Briones ng DepEd na kailangang pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng saya at kabutihang naidudulot ng Palaro.

Nagpasalamat naman si Antique Governor Rhodora Cadiao ng kanyang pasasalamat sa Philippine Sports Commission’s sa tiwala at kumpiyansa na ibinigay sa kanilang lalawigan para magsilbing host ng Palaro..

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasabay nito ay tiniyak naman ng DepEd na nasa kasagsagan na sila ng preparasyon kabilang na ang paghihigpit sa ipapatupad na seguridad sa tulong ng provincial PNP..

Ayon pa kay Cadiao, mga maliliit na pagpapakumpuni lamang at pagsasaayos ng mga venues at iba pang mga pasilidad ang kanilang isasagawa at di na kailangan ang pagpapatayo ng mga bagong venues. (Marivic Awitan)