PAGKATAPOS ni Kim Domingo, si Lovi Poe ang susunod na Kapuso star na makakatambal ng Kapamilya star na si Vhong Navarro. Mangyayari ito sa Regal Films movie na Woke Up Like This na sa aming pagkakaintindi, isa sa mga paboritong expression ng millennials ngayon.
To be directed by Joel Ferrer, sa picture na nakita namin sa storycon, kasama sa cast sina Joey Marquez, Bayani Agbayani, Coraleen Waddell, Bayani Agbayani at marami pang iba. Mukhang sisimulan agad ang shooting ng nasabing pelikula at dahil si Vhong ang lead actor, siguradong may halong comedy.
First time na magtatambal sina Lovi at Vhong. Bago ginanap ang storycon, nagkita muna sila, para siguro maalis ang ilang sa kanilang dalawa at magkakilala na rin. Para nga naman ‘pag sinimulan ang shooting, magkaibigan na sila.
Sa Regal Films din ang last movie ni Lovi na The Escort kapareha si Derek Ramsay. Box-office hit ang movie at naging controversial dahil sa matitinding love scene ng dalawa. (NITZ MIRALLES)