WASHINGTON — Sa muling paghalungkat sa isang usapin, nagbiro si US President Donald Trump nitong Biyernes na siya at si German Chancellor Angela Merkel ay may pagkakapareho: minatyagan ng administrasyong Obama.

“As far as wiretapping, I guess, by, you know, this past administration, at least we have something in common perhaps,” pahayag ni Trump sa isang press conference kasama ang German leader.

Natawa ang ilan sa mga manonood, binubuo ng mga mamamahayag, tauhan ng pangulo at chancellor, sa pahayag na ito ni Trump.

Ang tinutukoy dito ni Trump ay ang pakikinig ng administrasyon ni Obama sa cell phone conversation ni Merkel noong 2013.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture