Patay ang isang sundalo makaraang barilin ng sarili nitong pinsan na barangay kagawad sa Calinog, Iloilo, iniulat ng pulisya kahapon.
Ayon kay Senior Insp. Kenneth Bermejo, hepe ng Calinog Municipal Police, lasing na nagwala nitong Huwebes ng gabi si Gerardo Caballero, 47, kagawad ng Barangay Garangan, hanggang maghamon ng away at nagpaputok ng kanyang .22 caliber Magnum revolver,
Sinaway si Caballero ng pinsang si Staff Sgt. Rustom Caballero, 47, kasapi ng 61st Infantry Batallion ng Philippine Army, pero sa halip na tumigil ay binaril ito ng kagawad at tinamaan sa pusod.
Kaagad na nasawi ang sundalo, habang tumakas naman ang suspek, na kalaunan ay sumuko rin sa pulisya. (Fer Taboy)