Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang isang grupo ng mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) laban sa sarili nilang chairman, si Martin Diño.

Sa kanilang eight-point complaint, sinabi ng mga empleyado ng SBMA na inirereklamo nila si SBMA Chairman Diño dahil sa mga ginawa umano nitong “abusive actions and conduct unbecoming of a government official, which proved prejudicial to the agency and to the government, as a whole”.

Nakasaad sa reklamo, na natanggap ng Ombudsman noong Disyembre 28, 2016, kung paanong tinangka umano ni Diño na angkinin noong nakaraang taon ang tanggapan ng SBMA Administrator laban kay noon ay OIC Atty. Randy Escolango na nagdulot ng “chaos and confusion to the agency.”

Maging si dating SBMA Administrator Roberto Garcia ay napilitan umanong magbitiw sa puwesto kasunod ng “usurpation of the Administrator position” ni Diño.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad din sa reklamo kung paano si Diño “bullied and threatened SBMA officials and employees to have him sign transactions as Administrator and CEO.”

Anila, patuloy umanong ginawa ni Diño ang mga nabanggit kahit na itinalaga na ni Pangulong Duterte si Atty. Wilma Eisma bilang bagong SBMA Administrator. (Franco G. Regala)