Dapat asikasuhin na lamang ng European Parliament ang sarili nitong problema at huwag nang makialam sa gawain ng ibang bansa, sinabi ng isang opisyal ng Palasyo kahapon.

Inakusahan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ng “foreign intrusion” ang mga mambabatas na European matapos silang manawagan na palayain si Senador Leila De Lima, na kasalukuyang nakakulong sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

“Iyon ang maliwanag na foreign intrusion. Kagaya ng sinabi mo, wala silang pakialam dito sa ginagawa natin sa ating bansa,” sabi ni Panelo sa isang panayam sa radyo.

Iginiit ni Panelo na walang banyagang bansa ang maaaring magdikta sa isang malayang nasyon kung paano nito ipatutupad ang sistema ng hustisya. “They should mind their own business,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kamakailan ay pinagtibay ng parliament ng European Union (EU) ang resolusyon na nanawagang palayain si De Lima at ibasura ang “politically motivated” na mga akusasyon laban sa kanya.

AROGANTE

Ito rin ang pananaw ni Senate President Aquilino Pimentel III, na tinawag na panghihimasok ang ginawa ng European Parliament. Wala rin diumano itong karapatan na diktahan ang Senado kung sino ang mamumuno sa mga komite.

“It has no right to manage PH affairs hence much more no right to micro manage our country. Ahem, please mind your own business and don’t ever tell the PH Senate on who should chair any of its committees,” ani Pimentel.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na arogante ang panawagan ng European Parliament.

“Its action in demanding the release of Senator De Lima is a clear display of arrogance of power and a pure interference in our domestic affairs. Our embassy in EU Capital must file a Note Verbale of Protest and explain in full the case of Senator Leila. The DFA must see to it, it’s done. Baka akala nila pwede tayo basta apihin” ani Sotto.

‘DEEPLY HEARTENED’

Labis namang natuwa si De Lima sa resolusyon ng European Parliament.

Sa isang sulat-kamay na liham na inilabas ng kanyang Senate staff, sinabi ni De Lima na patunay ito na may malasakit ang ibang bansa sa nangyayari sa Pilipinas.

“I’m deeply heartened by the collective initiative undertaken by the European Parliament in calling for my immediate release… “This latest action from an international body is but a tangible proof that the rest of the world do care about what’s happening in our country today,” saad ng senador.

(GENALYN D. KABILING, LEONEL M. ABASOLA at HANNAH L. TORREGOZA)