Umalma si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez sa alegasyong sinagot ng isang pribadong kontraktor sa France ang “all-expenses paid travel” ng grupo nito sa Paris noong 2016.

Iginiit ni Lopez na nanggaling sa Pasig River Rehabilitation Program (PRRP) sa ilalim ng PRR Commission, ang lahat ng kanilang ginastos sa pagtungo sa Paris, France noong Oktubre 2, 2016 para pag-aralan ang isang waste water treatment facility.

Inaakusahan si Lopez ni Vienna Tañada, opisyal ng Ecoglobal Incorporated (EI) sa Pilipinas, na ginipit si Renewable Energy Management Bureau director Mario Marasigan ng Department of Energy (DoE) para aprubahan ang $100-million solar electricity project ng kumpanya sa Zamboanga City.

Ang sinasabing pakikialam ni Lopez sa pagpapalabas ng permit ang isa sa mga ginamit na dahilan sa pagsasampa ng kasong graft laban sa kanya. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'