KADALASANG umaasa ang mga magulang sa mga filtering software upang mag-block sa mga hindi angkop na materyal tulad ng pornograpiya, panloloko, bullying at iba pa sa mga aktibidad ng kanilang mga anak sa Internet. Ngunit isang bagong pag-aaral ang kumukuwestiyon sa pagiging epektibo nito.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng 1,030 in-home interviews sa 515 magulang na Briton at sa mga anak ng mga ito. Sa kabuuan, ang mga bata na may filtering software sa kanilang mga computer sa tahanan ay may mas kakaunting posibilidad na magkaroon ng negatibong karanasan, napag-alaman sa pag-aaral.

Ngunit maliit lamang ang pagkakaiba kaya tinawag itong random ng mga mananaliksik. Iniulat sa kanilang pag-aaral sa Journal of Pediatrics nitong Martes na 17 porsiyento ng kabataan na may filter at 22% na walang filter ang nag-ulat ng pagkakaroon ng negatibong karanasan.

“Internet filtering, on its own, does not appear effective for shielding adolescents from things that they find aversive online,” saad ng lead author na si Andrew Przybylski sa isang email. Si Przybylski ay psychologist at senior research fellow sa Oxford Internet Institute sa University of Oxford sa England.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Parents may feel reassured in knowing they have internet filters in their home, but our results suggest that such filters do not safeguard against young people seeing things that may frighten or upset them,” aniya.

“As young people grow into adults, there has to be a degree of risk tolerance as they build their own resilience.

Keeping open lines of communication is key,” dagdag niya.

Inihayag ni Michele Ybarra, presidente at research director para sa Center for Innovative Public Health Research sa San Clemente, California, na binigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan para sa mga magulang na matalakay sa kanilang mga anak ang mga pinangangambahan nila sa paggamit ng mga ito ng Internet.

“Network-level filtering doesn’t necessarily keep our children safe from unwanted exposures online,” sinabi ni Ybarra, na hindi kabilang sa pag-aaral, sa isang panayam sa telepono.

“It’s really important to talk to your kids about how to keep their information safe online,” aniya. “If you would prefer your child not look at pornography, talk to them about what that means to you.” (Reuters)