BEIJING (AP) – Sinabi ng isang lokal na opisyal ng Chinese government na binabalak nitong magtayo ng environmental monitoring station sa isang maliit at walang nakatirang shoal sa South China Sea na nasa sentro ng teritoryong pinag-aagawan nila ng Pilipinas.
Iniulat ng pahayagang Hainan Daily na sinabi ng mataas na opisya sa Sansha City, na namamahala sa mga islang inaangkin ng China, na nagtatayo sila ng mga ganitong istasyon sa anim na isla at reef, kabilang na sa Scarborough Shoal, na nasa hilagang silangan ng Pilipinas.
Sinakop ng China ang Scarborough noong 2012 matapos ang mahabang pakikipaghamunan sa mga barko ng Pilipinas.
Pinayagan ng China na muling makapangisda roon ang mga Pilipino kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging mas malapit ang relasyon ng dalawang bansa.
Iginigiit ng China na batay sa kasaysayan ay pag-aari nito ang halos buong South China Sea.