Habang isinusulat ang balitang ito ay inoobserbahan ang isang menor de edad makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng 10 katao na pawang miyembro umano ng BRB Fraternity, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Base sa inisyal na ulat, bandang 9:00 ng gabi, naglalakad pauwi ang biktima, 17, kasama ang kanyang mga kaibigan at pagsapit sa panulukan ng Hinaro Street at Estanislao St., Lakeview Homes, Putatan, Muntinlupa City ay hinarang sila ng mga suspek.

Makalipas ang ilang segundo ay pinagtulungan nang gulpihin ng mga suspek ang biktima na sinundan pa ng isang saksak sa tiyan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungong National Road habang isinugod naman sa ospital ang biktima. (Bella Gamotea)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?