ARJO SYLVIA AT RIA copy

HINDI lang naman pala kay Sylvia Sanchez nakakuha ng dugong artista ang mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde, dahil maging sa parte pala ng pamilya ng kanilang Daddy Art Atayde ay may lolo sa tuhod ang magkapatid na lumalabas din noon sa bodabil (vaudeville). 

Ito ang kuwento ni Papito Ramon Atayde, Sr., ang ama ni Papa Art, nang mag-surprise guest nang interbyuhin ang apong si Ria sa Maganda Ang Buhay (mapapanood sa Lunes ng umaga, pagkatapos ng Umagang Kayganda).

Kaya pala kapag napupuri ang magkapatid na Arjo at Ria sa magandang performance nila sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Joaquin Tuazon (na mortal na kaaway ni Cardo Dalisay/Coco Martin) at Dra. Guia Divinagracia sa My Dear Heart ay humihirit si Papa Art ng, “Magtataka pa ba kayo, eh, sa akin mana ‘yan.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Siyempre, alam naming nagbibiro si Papa Art dahil paano naman magmamana sa kanya sina Arjo at Ria, e, hindi naman siya artista.

Hayun, lumabas din ang totoo na ang lolo pala ni Papa Art ay vaudeville actor. Sino kaya ang mga artistang nakasabayan ng matandang Atayde noon?

Kaya, Ibyang, may karapatan din naman pala si Papa Art na angkinin na may nagmana rin sa kanya ang mga anak ninyo sa pag-arte dahil may dugong artista rin ang pamilya nila. (Reggee Bonoan)