Inihayag ni Australian Foreign Minister for Foreign Minister Julie Bishop kahapon ang $40 million tulong ng kanyang bansa sa pagsisikap na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Sa paglulunsad ng Pathways Education Project sa Marco Polo Hotel sa Davao City, sinabi ni Bishop na umaasa ang Australia na higit na makatutulong sa pag-unlad ng Mindanao sa pamamagitan ng pagsusuporta sa mga inisyatiba ng pamahalaan upang magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon.

Aniya, ang $40 millionay para sa mga proyektong mga pangkaunlaran sa magugulong lugar. Ibubuhos ito sa patubig, imprastruktura, at mga bagay na kailangan ng mga residente “to get ahead and get on their lives.”

Nangako ang gobyerno ng Australia na susuportahan ang mga kasunduang pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“With the support for education, with the support for peace process, in this way, Australia continues to be a friend, a partner of the Philippines,” aniya.

Nagpasalamat naman si Presidential Adviser on Peace Process (PAPP) Secretary Jesus Dureza sa gobyernong Australian sa suportang ibinibigay sa pagsisikap ng Pilipinas na matamo ang kapayapaan. “This is something very new. I almost fell down from my chair,” aniya. (Antonio L. Colina IV)