Sabay-sabay pinosasan ng Parañaque City Police ang tatlong magkakapatid na nakumpiskahan ng baril at hinihinalang shabu sa kanilang bahay sa Parañaque City, nitong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City Police sina Rommel Candelario, Ronnie Candelario at Juland Candelario, pawang nasa hustong gulang at nakatira sa Mabolo Street, Sampaloc Avenue, Barangay BF Homes.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., dakong 11:00 ng gabi isinilbi ng mga pulis ang search warrant sa mga suspek sa naturang lugar.

Dahil dito, malayang hinalughog ng awtoridad ang buong bahay ng pamilya Candelario at narekober ang isang kalibre .45 pistol, anim na bala ng nasabing baril, tatlong bala ng kalibre .38 baril, isang bala ng 9mm at tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mariin namang itinanggi ng magkakapatid na sangkot sila sa mga ilegal na gawain.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa sa magkakapatid na Candelario. (Bella Gamotea)