Labintatlong menor de edad ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang magkapatid na sangkot sa child pornography at sexual trafficking sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang mga suspek na sina Elvie Aringo at Arlene Aringo na kapwa inaresto ng mga tauhan ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) nitong Huwebes.

Nakatakdang kasuhan ang magkapatid na Aringo na may kinalaman sa Republic Act (RA) 7619, ang Trafficking in Persons Act; at child pornography sa ilalim ng RA 10175, ang Cybercrime Prevention Act.

Ayon kay NBI Anti-Human Trafficking Division chief Janet Francisco, nag-ugat ang operasyon laban sa dalawang suspek nang makatanggap sila ng intelligence information mula sa United States Homeland Security Investigations, Immigration and Customs Enforcement (USHSI-ICE).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Francisco na nasa edad dalawang buwan hanggang 18 ang nasagip sa nasabig operasyon.

Ginagamit, aniya, nina Elvie at Arlene ang mga bata sa “actual live sex show on cam and the sending pornographic materials” kapalit ng $50 hanggang $100 mula sa mga dayuhan sa online.

Bukod dito, sinabi rin ng NBI official na nagpupunta sa Pilipinas ang ilan nilang customer upang makipagtalik sa mga biktima kapalit ng P10,000.

“’Yung foreign customers nila pumupunta dito. It’s actually sex tourism din,” aniya.

Ikinabahala ni Francisco na “the children are really groomed to do this kind of thing.”

“Yun ang nakakatakot, nag-iiba na ang morality nung mga bata ngayon,” ayon kay Francisco. (Jeffrey G. Damicog)