“Act on OFW issues, or face recall.” Ito ang ibinabala ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa inilabas na kautusan sa mga labor attache sa Gitnang Silangan at Taiwan na pinauwi matapos mabigong aksiyunan kaagad ang suliranin ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga pinababalik sina Ophelia Almenario ng POLO-Abu Dhabi; David Des Dicang ng POLO-Qatar; Rodolfo Gabasan ng POLO-Israel; Nasser Mustafa ng POLO Oman; at Nasser Munder ng POLO-Taichung.
“I instructed them to report here because I want them to answer me personally on what they are doing on the critical issues of OFWs in the Middle East,” pahayag ni Bello.
Naglabas ang Kalihim ng kautusan matapos makatanggap ng mga ulat na binabalewala ng ilang labor attache ang mga isyu at kalagayan ng mga OFW sa kanilang lugar. (Mina Navarro)