Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng buwanang P600 rice subsidy para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“We have already begun to release the rice subsidies to 4Ps members. We trust that the beneficiaries of the fund will use the money to buy rice for their families because this is the main purpose of the subsidy,” ayon sa pahayag ni Secretary Judy Taguiwalo.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang social services sa mahihirap.

Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2017, ibibigay ang rice subsidy sa “registered, active, and compliant” ng 4Ps beneficiaries kada kaligitnaan ng buwan kasabay ng education at health grant.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabatid na ang P600 monthly rice subsidy o P7,200 kada taon ang unang regular cash grant. Ang karagdagang bigay ay bahagi ng alokasyon sa cash grant na P72.115 milyon para sa 2017.

Regular na susubaybayan at iuulat ng DSWD ang pamamahagi ng rice subsidy upang mapanatili ang transparency at maiwasan ang maling paggamit sa pondo.

“The payment status report, certification of unpaid households, and consolidated list of unpaid beneficiaries report will be provided,” saad ni Taguiwalo. (Jun Fabon)