Larawan ng kasiyahan ang mga pensiyonado ng Social Security System (SSS) na nagpunta sa mga bangko kahapon at kinuha ang mula sa kanilang mga bank account ang P1,000 dagdag benepisyo para sa buwan ng Enero 2017 matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas ng pondo para rito noong Pebrero 22.
Isa sa kanila si Erlano M. Wenceslao na nag-withdraw sa Philippine National Bank na nasa SSS Head Office sa East Avenue, Quezon City. Si Wenceslao, 74, ay pensiyonado mula pa noong Setyembre 2004.
Samantala, ang P1,000 dagdag benepisyo para sa Pebrero at Marso ay makukuha sa Marso 10 at 17.