MUKHANG hindi nagkasundo ang kilalang aktor at ang management ng isang TV network. Hindi na matutuloy ang aktor sa programang lalabasan sana niya.

Umokey na raw noong una, pero biglang nabago ang desisyon ng aktor nang hindi ibigay ng executives ng TV network ang mga hiniling niya.

Ayaw banggitin sa amin kung ano ang demands ng kilalang aktor para maging dahilan ng pag-atras niya.

Nadisyama tuloy ang mga makakasama sana ng aktor sa programang inialok sa kanya.

Kris Aquino, isiniwalat dahilan bakit siya iniwan ng jowang doktor

“Baka wala pa sa mood magtrabaho kasi may ibang pinagkakabisihan,” sabi ng aming source.

Mega-isip kami kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng kilalang aktor, e, wala naman siyang projects na alam namin dahil nga mapili siya. Or baka hindi niya kailangan ng pera kaya nag-i-enjoy pa siya sa bakasyon niya

Sana lang hindi mahuli ang lahat dahil sa rami ng nagsusulputang aktor ngayon na pawang magagaling umarte.

(Reggee Bonoan)