Sinuspinde ng Bureau of Customs (BoC) ang import accreditation ng Mighty Corporation dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng kawanihan.

Ayon kay Legal Service Director at executive director ng Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) Alvin Ebreo, noong 2014 ay inisyuhan din ng preventive suspension order ang kumpanya ni dating Customs commissioner John Sevilla dahil sa pagsuway sa bonded warehouse ng ahensiya.

Binanggit niya ang ulat ng Fiscal Intelligence Unit ng Department of Finance (DoF) na nagkaroon ng P163,117,995 undervaluation sa importasyon ng mga materyales para sa paggawa ng sigarilyo.

Sinabi ni BoC Commissioner Nicanor Faeldon, pinagbasehan din ng suspensiyon ang pagsalakay kamakailan sa mga bodega sa Zamboanga City, General Santos City at San Simon, Pampanga na nasamsam ang mahigit P2 bilyon ng mga pekeng sigarilyo. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji