Walang nakikitang problema si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa ipinasang panukala ng Kongreso na nagbabalik sa parusang kamatayan sa mga krimeng may kinalaman sa droga.

Ayon kay Estrada, magiging mabisang pangontra ang death penalty sa tumataas na bilang ng krimen.

“Well, mas importante talaga ‘yung drug-related crimes,” sagot ni Estrada nang hingan ng opinyon hinggil sa House Bill 4727.

Tanging drug-related offenses ang papatawan ng parusang kamatayan sa ilalim ng House Bill 4727.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Fathers raping their own daughters, a mother strangles all her babies to death, it’s sad. Saan ka makakita ng gano’n? It’s all because of drugs,” sabi pa ni Estrada.

Sa Metro Manila, aniya, 92 porsiyento ng krimen ay may kinalaman sa droga, base sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon pa kay Estrada, lumaganap ang droga sa bansa dahil sa pakikipagsabwatan ng mga pulitiko sa mga drug lord.

“And why are big drug labs in the provinces are all spreading? Why? Because during election time, governors, congressmen, mayors, councilors, and even barangay chairmen, their campaign funds come from drug lords,” ani Estrada.

(Mary Ann Santiago)