Kasong tax evasion ang isinampa kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa tatlong retail outlet operator dahil sa umano’y pagbebenta ng mga sigarilyong walang kaukulang internal revenue stamps.

Sa hiwalay na reklamo na inihain sa Manila prosecutor’s office, kinilala ni Manila Revenue Regional Director Arnel Guballa ang mga kinasuhang negosyante na sina Samson Bargan Sy ng Dongnanya Mini Mart; Kareene Villanueva ng Keisha Mart; at Henderson Jacla ng Min-Shun Trading.

Mismong si Guballa ang nanguna sa pagsasampa ng kaso sa mga naturang retailers, dakong 9:30 ng umaga kahapon.

“Pursuant to separate mission orders issued and received by the subject taxpayers, cigarettes not bearing the required tax stamps were confiscated,” pahayag ni Guballa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kaagad namang kinumpiska ng mga imbestigador ng BIR ang mga naturang sigarilyo na hinihinalang ipinuslit mula sa China at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P300,000. (Jun Ramirez at Mary Ann Santiago)