ITATAYA ni Jonas Sultan ang International Boxing Federation (IBF) Inter-Continental super flyweight belt kay dating World Boxing Council (WBC) flyweight champion Sonny Boy Jaro sa Linggo (Marso 19) sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City.
“We have to watch out for his wild punches,” pahayag ni ALA Gym head coach Edito Villamor. It depends, we will target either the body or the head,”aniya.
Inamin ni Villamor na hindi madali ang pagdepensa ni Sultan dahil beterano sa international fight si Jaro.
“Yes, but if there is a chance that he rocks him then we will be going to knock him out like what Jonas did when he won the belt in Africa against Makazole Tete, wherein he timed well a good punch and finished him off,” pahayag ni Villamor.
Nailista ni Sultan ang TKo sa huling tatlong laban, tampok ang second round stopper kay Tete. Tulad niya, galing din sa winning streak ang 34-anyos na si Jaro (43-13-5) tampok ang 30 knockout.
Magtutuos naman sina Cris Ganoza (12-0, 6 KOs) at Eduard Heno (9-0-4, 3 KOs) par sa Philippine Boxing Federation (PBF) light flyweight belt sa main event, habang magkakasubukan sina dating Pan Asian Boxing Association (PABA) at Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) champion Roli Gasca(23-7-1, 7 KOs) para sa karapatan na makaharap si dating WBC Youth Silver at WBC International titleholder Richard Pumicpic (18-8-2, 6 KOs) sa 10-rounder ng main event.