PALAYAN CITY – Nasawi makaraang suwagin ng kalabaw sa singit ang isang 50-anyos na lalaki, na naaagnas na nang natagpuan nitong Lunes sa bulubunduking bahagi ng Sitio Sandilain, Barangay Langka, Palayan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Chief Insp. Arnel Santiago, hepe ng Palayan City Police, kinilala ang biktimang si Guillermo Ramos Esteban, ng Bgy. Nauzon, Laur, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong 11:45 ng umaga nang nadiskubre ni Ben Molina Gonzales, 38, ng Sitio Alorma, Bgy. Doña Josefa, ang bangkay ni Esteban na may malaking sugat.

Sa salaysay ng kapatid na si Joe Ramos Esteban, Sabado nang umalis ng bahay ang kanyang kapatid kasama ang pitong iba pa para manghuli sa bundok ng manok na labuyo, pero hindi na ito nakauwi. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga