Nais ni Senator Nancy Binay na imbestigahan si Cesar Montano, ang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism (DoT), kaugnay sa mga reklamo sa kanya ng mga kawani ng ahensiya.

“It is imperative that we look into the complaints against Mr. Montano. He is leading an agency tasked with domestic and international promotions of the Department of Tourism. As such, he must act with the protection of the image of the TPB and the government in mind at all times,” ani Binay, chairperson ng Senate Committee on Tourism.

Hinimok niya si DoT Secretary Wanda Teo, na silipin ang mga alegasyon dahil makaaapekto ito sa promosyon ng turismo sa bansa.

Umabot sa 24 na reklamo ang inihain laban sa dating action star, kabilang ang irregular contract, mismanagement, unprofessional behavior, incompetence at corruption, partikular ang P11.2 milyong kontrata ni Montano sa mga pamangkin nito. (Leonel Abasola)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente