Quark copy

UMALMA si Direk Quark Henares sa pagkakatanggal nina Moira Lang at Ed Cabangot bilang miyembro ng Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee na sinasabing pro-indie Films.

Marami kasing mainstream producers na nagreklamong hindi nakasama ang pelikula nila sa MMFF 2016 dahil pawang indie films ang pumasok sa Magic 8.

Kaya ngayong 2017 MMFF, nagkaroon ng pagbabago at ang ilan sa mga bagong pasok ay sina Batangas Rep. Vilma Santos, Sen. Grace Poe at bagong upong Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Chairperson Rachel Arenas.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang post ni Direk Quark sa kanyang Facebook account, “Well, this is depressing. Christmastime on my Facebook feed really felt like Christmas for movie fans like me. People were finally talking about plots and characters instead of stars and love teams. I saw heartfelt reviews on my feed, substantial arguments, impassioned recommendations.

“The Metro Manila Film Festival, after a literal lifetime of being a joke, felt like a victory. It had nothing to do with the always annoying indie vs. mainstream argument and everything to do with Philippine film vs. itself.

“Moira Lang and Edward Cabagnot are not pro-indie. They are pro-Cinema. Thank you for never giving up, and for the best MMFF in history. We will always remember that one great year we got excited about going to the movies.”

Samantala, hindi maharap ni Direk Quark ang paggawa ng pelikula ngayon dahil abala siya sa bago niyang trabaho bilang head ng Globe Studios na kapartner ng HOOQ. (Reggee Bonoan)