DAVAO CITY – Mula sa matagumpay na pakikipagpulong sa mga lokal executive sa Cebu City, lalarga ang ‘Sports Caravan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Davao City simula ngayon sa Pinnacle Hotel and Suites.

Pangungunahan ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pakikipag-ugnayan sa local government unit (LGU) executive sa Mindanao para ilatag ang programa na nakapaloob sa Philippine Sports Institute (PSI) at ang pagbuhay sa Physical Fitness and Sports Development Council (PFSDC).

Kasama rin sa pulong ng mga governor, mayor, stakeholder at kinatawan ng LGU sina PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey at PSI national training director Marc Edward Velasco. Kasabay ng programa ang pagdiriwang sa ‘Araw ng Davao’.

May kabuuang 100 LGU representative ang dumalo sa Visayas leg ng caravan kung saan binigyan halaga ang muling paglulunsad ng PFSDC na nilagdaan bilang Executive Order No. 63 ni dating pangulong Fidel V. Ramos noong Marso 1,1993.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Tanyag bilang “Sports for All” program, binigyan ng kapangyarihan nang naturang EO ang PSC na “encourage, promote and sustain the creation and establishment of regional, provincial, city, municipal and barangay or school district sports promotion and development councils, composed of officials from the Department of Education, Department of the Interior and Local Government, local government officials and representatives of the private sector, which shall initiate, conduct and coordinate sports activities in their respective jurisdictions”.

Naibaon sa limot ang naturang EO sa nakalipas na taon.

Sa bagong pamunuan ng PSC, iginiit ni Ramirez na nagkakaisa ang Board of Commissioners na buhayin ang programa na malaki ang maitutulong sa paglarga ng PSI sa mga lalawigan.

Sa kasalukuyan, kabuuang 12 regional training center ang natukoy ng PSI na magagamit sa Sports Mapping Action Research Identification (Smart ID) Train the Trainers Program.