TALISAY, Batangas - Nakabigti sa puno hindi kalayuan sa kanyang bahay nang natagpuan ng kanyang kapatid ang isang driver na pinaniniwalaang nagpakamatay sa Talisay, Batangas.
Problema sa pamilya ang pinaniniwalaan ng mga awtoridad na sanhi ng umano’y pagbibigti ni Jayson Gomez, 35 anyos.
Ayon sa report ni PO3 Larry Jumarang, dakong 9:45 ng umaga nitong Linggo nang matagpuan si Gomez na nakabitin sa puno, may 150 metro ang layo sa bahay nito sa Barangay Tranca. (Lyka Manalo)