Bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalooban ng executive clemency ang 127 preso, umabot na sa 39 na bilanggo sa ngayon ang nakatanggap ng certificate of conditional and commutation pardon.

Mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang nagkumpirma nito sa pagnanais ng Pangulo na mabawasan ang bilang ng persons deprived of liberty (PDLs).

Kabilang din sa mga utos ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng parole, pardon at pagwawalang-bisa sa sentensiya ng mga karapat-dapat na preso base sa kanilang good conduct and allowances.

"Awtomatiko nang makakalaya mula sa pagkakakulong ang mga preso sa oras na makuha nila ang kanilang mga papeles," ani Aguirre.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DoJ ang mga parolee na ang anumang paglabag sa parole conditions ay mauuwi sa muling pagkakakulong ng mga ito. (Beth Camia)